State of Hawai`i Housing

Pinapalakad rin ng Hawaii Public Housing Authority ang State Family at State Elderly public housing program. Hindi sila bahagi ng programang pederal ng public housing. Ang State Family public housing ay para sa mga taong kalipikado anuman ang edad, samantalang ang State Elderly public housing ay para sa mga matatandang may 62 taong gulang pataas. Ang mga programang ito ay pinupunduhan lamang ng estado, at walang ambag ang gobyernong pederal. Ang mga programang ito ay may total na 864 na tahanan sa kalawakan ng estado.

Tingnan kung ano ang pwedeng matanggap mo.