PAGKAIN AT NUTRISYON
Ang pagkain ay lubhang mahalaga sa pag-aaral at paglaki ng mga bata. Iba't-ibang programa at serbisyo ay nakalaan upang makatiyak ang mga pamilya na ang kanilang mga anak ay magkakaroon ng masustansiyang pagkaing kailangan nila.
Mga Programa at Serbisyo
Programa ng Libre at Abut-kayang Pagkain
Ang mga piling bata ay pwedeng tumanggap ng agahan at tanghalian sa eskwelahan na libre o mas mababa ang bayad.
Programang Suplemental na Tulong sa Nutrisyon (SNAP)
Ang programa ng SNAP ay tulong sa mga pamilya sa pagbili ng masustansiyang pagkain. Ang mga nakarehistro ay tatanggap ng espesyal na kard (EBT card) ng benepisyo na maari nilang gamitin upang bumili ng pagkain.
Mga Serbisyo para sa Pamilya
KALUSUGAN AT KALIGTASAN
Ang pagtiyak ng kalusugan at kaligtasan ng mga bata ay napakahalaga para sa kanilang paglaki. Ang Med-QUEST at CHIP ay nakalaan upang tiyakin na ang mga pamilya ay may insurance sa kalusugang kinakailangan nila upang alagaan ang mga mahal sa buhay.
MAAGANG EDUKASYON
Magmula sa libreng Pre-K sa mga eskwelang publiko at charter, hanggang sa mga programang kagaya ng Head Start at tulong sa gastos sa pagpapa-alaga ng bata, may suporta sa bawat baytang magmula pagsilang hanggang sa limang taong gulang.
MGA ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN AT MAAGANG INTERVENTION
Ang libreng developmental screening at serbisyo ng early intervention ay tutulong sa pamilya mong magpalaki at magpa-unlad sa mga anak mo.
PAGKAIN AT NUTRISYON
Ang WIC at SNAP, pati na rin ang libre at abut-kayang pagkain sa eskwelahan, ay programang naghahandog sa mga pamilya ng masustansiyang pagkain para sa mga bata mula pagsilang at habang nag-aaral.
SUPORTA SA MAGULANG AT PAMILYA AT SA PABAHAY
Ang mga programa ng pagbisita sa tahanan ng mga mayroong anak na bagong silang, at pagtulong sa pabahay at pera ay kaakibat ng mga pamilya sa pagtarak ng matibay na pundasyon at sa pagharap sa mga gastusing pang-araw-araw.