Tulong para sa Pagpapa-alaga ng Bata

Ang Child Care Subsidy Program ay nagbibigay ng pera sa mga pamilya bilang ambag sa gastusin sa pagpapa-alaga ng bata. Upang maging kalipikado, dapat makasunod ang mga pamilya sa alituntunin tungkol sa kanilang sinasahod, at ang mga magulang ay dapat nagtratrabaho, nag-aaral, o nagsasanay sa pagtratrabaho. Ang halaga ng ambag ay depende sa kinikita ng pamilya, at ang pera ay pwedeng gamitin sa maraming uri ng pag-aalaga ng bata, gaya ng sa loob ng bahay, pag-alaga ng kapamilya, mga programa bago magsimula o pagkatapos ng oras ng eskwelahan, at preschool.

Tingnan kung ano ang pwedeng matanggap mo.