QUEST/CHIP
Ang Med-QUEST ay siyang programa ng Medicaid sa Hawai'i. Nagbibigay ito ng benepisyo ng healthcare sa mga nakatira sa Hawai'i na eligible. Kabilang dito ang mga mababa ang kinikitang babae, bata, at taong may disability. Ang Medicaid ay programang pinupunduhan ng gobyerno ng estado at ng pederal. Handog nito ang mga importanteng serbisyo ng kalusugan upang matiyak na ang mga pamilyang mahihirap ay makakatanggap ng serbisyo sa kalusugang kailangan nila.