Espesyal na Programa ng Nutrisyong Pangsuplemento Para sa mga Babae, Sanggol at Bata (WIC)
"Ang WIC ay nangangahulugan ng LIBRENG pagkain sa mga pamilyang kalipikado!
Ang WIC ay nagbibigay ng libreng pagkain, nagtuturo tungkol sa nutrisyon, tamang pagpapadede, at referral sa iba pang serbisyo. Ito ay programa para sa mga buntis, mga bagong panganak, mga sanggol, at mga batang wala pang limang taong gulang. Ang mga tatay, lolo at lola, at iba pang nag-aalaga ay pwede ring mag-apply na makakuha ng WIC ang mga batang inaalagaan nila. Maaari ding makatanggap ang mga pamilyang nagtratrabaho at mga hindi U.S. citizen.
Pwede kang makatanggap ng Hawaiʻi WIC kung ikaw ay:
Buntis, nagpapasuso, o nanganak sa loob ng huling anim na buwan
May anak na wala pang limang taong gulang (kabilang dito ang mga nasa kargo ng amang walang asawa, lolo at/o lola, foster parent, o stepparent)
Nakatira sa Hawaiʻi (pati mga pamilyang militar, imigrante, at mga estudyanteng dayuhan)
May kinikita ang tahanan mo na hindi lalagpas sa mga alituntunin, O tumatanaggap ka na nang TANF, SNAP, QUEST o Medicaid."