KALUSUGAN AT KALIGTASAN
Ang mga programang kagaya ng Med-QUEST ay tumutulong sa mga pamilyang maka-abot ng healthcare insurance upang mapanatili nilang malusog at masaya ang kanilang mga anak.
Mga Programa at Serbisyo
Espesyal na Programa ng Nutrisyong Pangsuplemento Para sa mga Babae, Sanggol at Bata (WIC)
Ang WIC ay nagbibigay ng masustansiyang pagkain, nagtuturo tungkol sa nutrisyon at tamang pagpapadede, at iba pang serbisyo sa mga buntis, mga bagong panganak, mga sanggol, at mga batang wala pang limang taong gulang.
QUEST/CHIP
Ang Med-QUEST ay naghahandog ng benepisyo ng healthcare sa mga nakatira sa Hawai'i na eligible sa Medicaid.
Your Ohana (Programa sa Pagbisita sa Tahanan)
Ang mga programa sa pagbisita sa tahanan ay para sa mga magulang na malapit nang magkaroon ng sanggol, at yung mga mayroong anak na ang gulang ay hanggang magki-kindergarten.
Mga Serbisyo para sa Pamilya
KALUSUGAN AT KALIGTASAN
Ang pagtiyak ng kalusugan at kaligtasan ng mga bata ay napakahalaga para sa kanilang paglaki. Ang Med-QUEST at CHIP ay nakalaan upang tiyakin na ang mga pamilya ay may insurance sa kalusugang kinakailangan nila upang alagaan ang mga mahal sa buhay.
MAAGANG EDUKASYON
Magmula sa libreng Pre-K sa mga eskwelang publiko at charter, hanggang sa mga programang kagaya ng Head Start at tulong sa gastos sa pagpapa-alaga ng bata, may suporta sa bawat baytang magmula pagsilang hanggang sa limang taong gulang.
MGA ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN AT MAAGANG INTERVENTION
Ang libreng developmental screening at serbisyo ng early intervention ay tutulong sa pamilya mong magpalaki at magpa-unlad sa mga anak mo.
PAGKAIN AT NUTRISYON
Ang WIC at SNAP, pati na rin ang libre at abut-kayang pagkain sa eskwelahan, ay programang naghahandog sa mga pamilya ng masustansiyang pagkain para sa mga bata mula pagsilang at habang nag-aaral.
SUPORTA SA MAGULANG AT PAMILYA AT SA PABAHAY
Ang mga programa ng pagbisita sa tahanan ng mga mayroong anak na bagong silang, at pagtulong sa pabahay at pera ay kaakibat ng mga pamilya sa pagtarak ng matibay na pundasyon at sa pagharap sa mga gastusing pang-araw-araw.