Mga Pwedeng Aktibidad batay sa Edad: 4-5 na Taon
Mga Bagay na Dapat Gawin:
- Paghahanda para sa eskwela
- Pag-iisip ng malalim upang matugunan ang mga problema (critical thinking)
- Pagkilos ng maliliit na masel ng mga kamay (fine motor skills)
Mga Idea para Aktibidad
Gumamit ng mga flashcard o magsimula ng scavenger hunt na kung saan kailangang maghanap ang anak mo ng mga bagay na ang pangalan ay nagsisimula sa natukoy na letra o numero.
Bigyan ang anak ng playdough upang ito ay masahin, pisilin, at hubugin niya. Palalakasin nito ang kanyang mga kamay at imahinasyon.
Gumawa ng mga simpleng eksperimento sa agham gaya ng paghahalo ng suka at baking soda. Tuturuan siya nito ng dahilan at epekto.
Gumamit ng mga bagay sa bahay tulad ng mga medyas at buton, at sabihin sa anak na paghiwahiwalayin ang mga magkakaiba, at pagsamasamahin ang mga magkakatulad, batay sa kulay, laki, o hugis. Tutulong ito sa lohiko at pag-iisip nang malinaw.
Bigyan ang anak mo ng idea para sa mga karakter o pangyayari at sabihing tumulong siyang gumawa ng isang kwento. Tuturuan siya nitong gumamit ng kanyang imahinasyon at boses.
Ang simpleng paglalaro ay makakatulong sa paglaki ng mga sanggol! Ang mga gawaing ito ay tutulong sa kanilang matutong gumalaw, makipalambingan, at matuto sa pamamagitan ng kanilang mga sentido. Kabilang dito ang pagdapa, suabeng musika, at paggamit ng laruan.
Ang mga paslit ay natututo sa paglaro! Ang mga masasayang gawain na ito ay tutulong sa kanilang magsalita, gumamit ng kanilang mga kamay, at makipaglaro. Kabilang dito ang pagsalansan ng mga bloke, pag-awit, at paglalaro nang pakunwari.
Sa gulang na ito, ang mga paslit ay laging nagtatanong at punong-puno ng sigla! Ang mga madaling gawain na ito ay tutulong sa kanilang matutong magsalita, gumaling sa paggalaw, at sasanayin silang makipaglaro sa mga kaibigan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa developmental milestones bisitahin ang CDC Developmental Milestones