Mga Pwedeng Aktibidad batay sa Edad: 2-3 na Taon
Mga Bagay na Dapat Gawin:
- Matutong magsalita (Language development)
- Pagalawin ang malalaki at maliliit na masel (Gross and fine motor skills)
- Pagsunod sa mga direksiyon
- Paglaro at imahinasyon
- Matuto tungkol sa mga emosyon at mga kaibigan (Social and emotional skills)
Mga Idea para Aktibidad
Ang mga malalaking palaisipan ay tutulong sa batang maghanap ng solusyun ng mga problema at pahusayin ang sabay na pagkilos ng mga kamay at mata.
Gayahin ang huni ng mga hayup at sabihin sa batang hulaan kung anong hayup yon o gayahin ang tunog. Tutulong ito upang matuto siyang magsalita at makinig.
Hayaang magbuhos, magtabo, at magsaboy ng tubig ang anak mo, na gamit ang tasa at timba. Mahusay ito sa sensory play at paggamit ng maliliit na masel ng kanyang mga kamay.
Ituro ang mga bagay sa loob o labas ng bahay at sabihin ang pangalan nila. Tuturuan siya nito ng mga bagong salita.
Ilagay ang mga laruan o bloke sa sari-saring grupo batay sa kulay, laki, o hugis. Tutulong ito sa mga maagang kagalingan sa matematika.
Magpatugtog ng masaya at maliksing mga awit at sabihin sa anak mo na kumilos siya at sumayaw. Tuturuan siya nito ng koordinasyon at pagsabay sa kumpas.
Ang simpleng paglalaro ay makakatulong sa paglaki ng mga sanggol! Ang mga gawaing ito ay tutulong sa kanilang matutong gumalaw, makipalambingan, at matuto sa pamamagitan ng kanilang mga sentido. Kabilang dito ang pagdapa, suabeng musika, at paggamit ng laruan.
Ang mga paslit ay natututo sa paglaro! Ang mga masasayang gawain na ito ay tutulong sa kanilang magsalita, gumamit ng kanilang mga kamay, at makipaglaro. Kabilang dito ang pagsalansan ng mga bloke, pag-awit, at paglalaro nang pakunwari.
Sa gulang na ito, ang mga paslit ay laging nagtatanong at punong-puno ng sigla! Ang mga madaling gawain na ito ay tutulong sa kanilang matutong magsalita, gumaling sa paggalaw, at sasanayin silang makipaglaro sa mga kaibigan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa developmental milestones bisitahin ang CDC Developmental Milestones