Mga Pwedeng Aktibidad batay sa Edad: 1-2 na Taon
Mga Bagay na Dapat Gawin:
- Matutong magsalita (Language development)
- Maliliit na kilos ng mga kamay (Fine motor skills)
- Pakikipaglaro sa mga kaibigan (Social skills)
Mga Idea para Aktibidad
Turuan ang iyong paslit na magsalansan ng mga bloke nang mataas. Ito ay magtuturo sa kanyang gumamit ng mga kamay at mata nang sabay, at sa paghanap ng tugon ng mga problema.
Magbasa ng mga librong simple na may mga malalaking letra at larawan. Ito ay magtuturo sa kanyang magsalita.
Umawit nang may kasabay na kilos ng mga kamay, katulad ng "The Wheels on the Bus." Tutulong ito sa pag-unlad ng kanyang mga motor skills at pananalita.
Bigyan ng mga crayon o marker ang iyong paslit at sabihing magsulat-sulat siya. Tutulong ito sa kanyang pagkontrol ng mga kamay.
Bigyan ang paslit ng laruang mga gamit sa kusina, o mga manika, upang paglaruan nang pakunwari. Makakatulong ito upang mahasa ang kanyang imahinasyon at matuto siyang makitungo sa kapwa.
Ang simpleng paglalaro ay makakatulong sa paglaki ng mga sanggol! Ang mga gawaing ito ay tutulong sa kanilang matutong gumalaw, makipalambingan, at matuto sa pamamagitan ng kanilang mga sentido. Kabilang dito ang pagdapa, suabeng musika, at paggamit ng laruan.
Ang mga paslit ay natututo sa paglaro! Ang mga masasayang gawain na ito ay tutulong sa kanilang magsalita, gumamit ng kanilang mga kamay, at makipaglaro. Kabilang dito ang pagsalansan ng mga bloke, pag-awit, at paglalaro nang pakunwari.
Sa gulang na ito, ang mga paslit ay laging nagtatanong at punong-puno ng sigla! Ang mga madaling gawain na ito ay tutulong sa kanilang matutong magsalita, gumaling sa paggalaw, at sasanayin silang makipaglaro sa mga kaibigan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa developmental milestones bisitahin ang CDC Developmental Milestones