Mga Pwedeng Aktibidad batay sa Edad

Habang lumalaki ang mga bata, tumutubo naman ang mga bagong karunungan at interes nila. Ang pakikisalamuha sa kanila ay isang pagkakataon upang makatuklas sila ng bagong mararanasan. Mula sa edad na sero hanggang limang taon, ang paglalaro sa bahay at sa preschool ay magbibigay sa mga bata ng isang matibay na panimula sa pag-aaral, paglagong sosyal-emosyonal, at kalusugan sa hinaharap.

Gumawa kami ng ilang mga idea para sa aktibidad na angkop sa edad na makakatulong sa iyong anak na lumaki at magbigay sa kanya ng nakakatuwang mga paraan upang matuto.