Mga Karaniwang Tinatanong
Ano ang First Five Hawai'i?
Ang First Five Hawai'i ay kung saan napag-aalaman ang tungkol sa mga rekurso para sa mga pamilya, pati na rin ang maagang pag-unlad ng mga bata. Pwede mong malaman ang karagdagan sa pahinang pinamagatang About us. Ang impormasyon sa firstfivehawaii.org ay ina-update ng Executive Office on Early Learning (EOEL).
Paano ako makahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa pag-alaga ng bata at pre-school?
Kailangan mo ba ang tulong sa paghanap ng child care? I-click dito upang maghanap ng mga provider na nararapat sa mga pangangailangan mo sa mga lokasyong naaangkop sa pamilya mo.
Magagamit ko pa rin ba ang First Five Hawai'i kung ang anak ko o ilan sa mga anak ko ay lagpas na sa edad na limang taon?
Ang First Five Hawai'i ay itinakda para sa mga batang may gulang na 0-5 at ang kanilang pamilya. Ngunit maraming programa sa First Five Hawai'i ay walang limitasyon sa edad, o pwede ring magsilbi sa mga batang mas matanda. Isulat lamang ang araw ng kapanganakan ng nakatatandang anak nang malaman kung anong programa ang maaaring matanggap ng bata o ng pamilya mo, gaya ng TANF/TAONF, Med-QUEST, o SNAP.
May bayad ba ang paggamit ng mga serbisyo o programa ninyo?
Wala, lahat ng aming mga programa, rekurso, at pangyayari ay libre para sa mga pamilya. Layunin naming gawing madaling makamtan ang mga rekurso ng maagang kabataan para sa lahat ng nakatira sa Hawai'i.
Ibinabahagi ba ng website na ito ang aking kita o ibang impormasyon sa gobyerno?
Ibabahagi lamang ng First Five Hawaiʻi ang impormasyon sa pagkontak (pangalan at email) sa mga programang maaari kang eligible nang maka-follow up ang angkop na ahensya.
Inaalagaan ko aking mga apo. Pwede pa rin ba akong makatanggap ng tulong?
Oo! Kung may inaalagaan kang bata, kahit hindi ikaw ang magulang niya sa dugo, may mga programa at serbisyong makakatulong sa batang inaalagaan mo.
Ano ang Eligibility Screener Tool?
Ang screener tool sa website ng First Five Hawai'i ay tumutulong sa mga pamilyang maghanap ng programa at serbisyong maaaring kalipikado sila. Mangyaring isulat lamang ang impormasyon sa pagkontak sa iyo, zip code, araw ng kapanganakan ng bata, at ang buwanang kita ng pamilya mo. Tapos ay makikita mo na kung anong tulong ang pwede mong matanggap!
Saan ko matatagpuan ang listahan ng mga programa ng First Five Hawai'i?
I-click dito para sa listahan ng mga programa at ahensiyang kasalukuyang nakarehistro sa First Five Hawai'i.