Nais nating lahat na ang ating mga sanggol ay lalaking masaya at malusog - ngunit hindi masyadong madali. Ngunit ang paglaki ay mas mabilis kaysa inaakala natin. Ipinapakita sa atin ng agham ng utak na ang mga unang limang taon ng buhay ng isang bata ay nagtatarak ng pundasyon ng kanyang kinabukasan.
Magmula pagsilang hanggang limang taong gulang, ang utak ng bata ay lalaki nang mas marami at mas mabilis kaysa sa alinmang bahagi ng kanyang buhay. Nilinaw ng agham na ang kalidad ng mga karanasan ng bata sa mga unang taon ng buhay - mabuti man o masama - ay tutulong sa paghubog ng paglaki ng kanyang utak. Ang mga karanasang ito ay may epektong pangmatagalan sa kanyang kalusugan at kakayahang matuto at magtagumpay sa paaralan at sa buhay.
Sa First Five Hawaiʻi, nakalaan kaming maghandog sa mga pamilya ng impormasyon, kagamitan, at rekursong susuporta sa malusog na pag-unlad at edukasyon ng mga bata mula pagsilang hanggang limang taong gulang. Naniniwala kami na sa pamamagitan ng pagbigay sa mga magulang at tagapangalaga ng mga tamang rekurso, makakatulong kaming magbigay sa bawat bata sa Hawaiʻi ng pinakamagandang simula sa buhay.