Policy sa Pag-access
Ang First Five Hawaiʻi ay nakahandang maghandog ng web presence na nagbibigay ng kabuuang publikong access sa alinmang website na pag-aari o pinapatakbo nito. Sa ganoon, layunin ng First Five Hawaiʻi ang sumunod sa Web Content Accessibility Guidelines 2.0 (WCAG) upang mapagbigyan ang mga pangangailangan ng mga gumagamit na may disabilities. Ang mga rasonableng akomodasyon ay gagawin para sa lahat ng gumagamit na tinutulungan ng mga standard compliant web browser, enabling software, o assistive device. Upang makamtan ang layuning magbigay ng buong access sa madla, ang mga dokumento ng First Five Hawaiʻi na inilalathala sa website ay nire-review para sa accessibility at inihahandog upang ang mga gumagamit ay makapag-download, -printa, atbp. Subalit, dapat mapag-alaman na ang First Five Hawaiʻi ay hindi makakagarantiya ng accessibility ng mga dokumentong nilikha ng ikatlong partido na nalathala o nai-link sa website ng First Five Hawaiʻi para sa impormasyon o pag-review.