Nagtatarak ng Matibay na Pundasyon para sa mga Bata sa Hawai'i
Mula nang isilang ang anak mo, bawat sandali ay mahalaga. Narito kami upang tulungan kang hanapin ang mga programang pwedeng matanggap ng pamilya mo. Gamitin ang online tool na ito sa paghahanap ng mga libreng programa para sa pagpapa-alaga ng bata, pamamahay, nutrisyon, parenting support, atbp.
Tingnan kung ano ang pwedeng matanggap ng pamilya mo.
Mga Serbisyo para sa Pamilya
KALUSUGAN AT KALIGTASAN
Ang pagtiyak ng kalusugan at kaligtasan ng mga bata ay napakahalaga para sa kanilang paglaki. Ang Med-QUEST at CHIP ay nakalaan upang tiyakin na ang mga pamilya ay may insurance sa kalusugang kinakailangan nila upang alagaan ang mga mahal sa buhay.
MAAGANG EDUKASYON
Magmula sa libreng Pre-K sa mga eskwelang publiko at charter, hanggang sa mga programang kagaya ng Head Start at tulong sa gastos sa pagpapa-alaga ng bata, may suporta sa bawat baytang magmula pagsilang hanggang sa limang taong gulang.
MGA ESPESYAL NA PANGANGAILANGAN AT MAAGANG INTERVENTION
Ang libreng developmental screening at serbisyo ng early intervention ay tutulong sa pamilya mong magpalaki at magpa-unlad sa mga anak mo.
PAGKAIN AT NUTRISYON
Ang WIC at SNAP, pati na rin ang libre at abut-kayang pagkain sa eskwelahan, ay programang naghahandog sa mga pamilya ng masustansiyang pagkain para sa mga bata mula pagsilang at habang nag-aaral.
SUPORTA SA MAGULANG AT PAMILYA AT SA PABAHAY
Ang mga programa ng pagbisita sa tahanan ng mga mayroong anak na bagong silang, at pagtulong sa pabahay at pera ay kaakibat ng mga pamilya sa pagtarak ng matibay na pundasyon at sa pagharap sa mga gastusing pang-araw-araw.